Ang Employees’ Compensation Commission (ECC) ay naging tulay sa aking masaganang buhay, sabi ni Joel Maglangit, 47 taong gulang, dating security guard sa Makati City.
Isang araw habang papasok si Maglangit sa trabaho, nagkaroon siya ng aksidente na naging dahilan ng pagkaputol ng kanyang kaliwang hita. At dahil sa natamo niyang kapansanan, napilitan siyang magbitiw sa kanyang trabaho.
Dahil idineklarang ‘work related’ ang kanyang natamong kapansanan, binigyan ng Employees’ Compensation Program (ECP) si Maglangit ng permanent partial disability (PPD) benefit sa halagang P4,500 per month sa loob ng apat napung anim na buwan.
Maliban sa cash benefits, nabigyan din ng left leg prosthesis at 24 sessions ng physical therapy sa Philippine General Hospital si Maglangit, para masanay siya sa bagong ‘artificial leg’. Ang mga ito ay karagdagang tulong na sakop sa programa ng ECC sa ilalim ng Katulong at Gabay sa Manggagawang may Kapansanan (ECC-KaGabay) Program.
Habang nasa hospital si Maglangit para sa isang regular therapy session, isang doctor ang naging interesado sa kanyang kalagayan at nag-alok sa kanya ng trabaho.
Ngayon, si Maglangit ay isa nang driver ng Philippine branch office ng Cambodia Trust, isang NGO na tumutulong sa mga taong may kapansanan. Nabiyayaan din ng kumpanya ng college scholarship ang mga anak ni Maglangit na edad 17 at 18. Ang magkapatid ay kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Prosthesis and Orthotics sa University of the East Ramon Magsaysay Medical Center.
Ika nga ni Maglangit, “Mas maganda ang buhay namin ngayon kumpara nung ako ay nagtatrabaho bilang isang security guard”.
Ito ang hangad ng ECC-KaGabay Program, na ang mga occupationally disabled workers (ODWs) ay maibalik sa dating kakayahang maghanapbuhay tungo sa isang masaya at masaganang pamumuhay.