Bilang paggunita sa National Disability Rights Week, ang Employees’ Compensation Commission (ECC) sa pangunguna ng Work Contingency Prevention and Rehabilitation Division (WCPRD) ay nag-organisa ng isang araw na aktibidad na pinamagatang “Gearing Towards Return-To-Work: Inclusive Workplace Safety and Health Awareness for PWRDs” para sa mga benepisyaryo ng ECC noong Hulyo 23, 2024 sa opisina ng ECC sa Lungsod ng Makati.
Sa nasabing aktibidad ay may kabuuang 17 Persons with Work-Related Disabilities (PWRDs) and dumalo. Nagsimula ang programa sa pambungad na mensahe ni Dra. Christine Marquez, Division Chief ng WCPRD, na nagsilbing inspirasyon at nagmungkahi na maging aktibo sa partisipasyon ang mga PWRD sa mga programa ng ECC.
Sa kabilang banda naman ay tinalakay ng mga nurse ng ECC na sina Jeruz Castillo at Renzi De Castro ang kahalagahan ng kaligtasan ng mga manggagawa sa loob at labas ng opisina. Ilan sa mga paksang natalakay ay OSH Legislation for Safe and Healthy Workplaces, mga pangunahing panuntunan sa kaligtasan sa lugar ng trabaho, pagkilala ng mga posibleng panganib habang nagtatrabaho at risk assessment. Binigyang diin din nila na sa mga aksidente at sakit na hindi maiiwasan sa trabaho ay nandyan ang ECC para magbigay ng mga benepisyo at iba’t-ibang serbisyo.
“Mahalagang malaman at maipaalam sa mga PWRDs ang mga ganitong impormasyon. Ito ay makakatulong sa kanila upang lubos na maunawaan ang mga programa ng ECC,” saad ni ECC WCPRD Chief Marquez.
“Salamat sa ECC, dahil sa training na ito ay nagkaroon ako ng bagong kaalaman na pwede kong magamit sa pang araw-araw kong pamumuhay,” saad ng isang PWRD.
J. Cañedo – C.O.