Taong 2020 ng aksidenteng mahulugan ng sanga ng puno ang isang maintenance worker habang siya ay nagtatrabaho. Dahil sa pinsalang natamo ay napagpasyahan na putulin ang kanyang kaliwang binti.
Dahil sa natamong disability ay nag-file siya ng EC claim sa SSS. Kalaunan ay naaprubahan ito at nakatanggap siya ng EC sickness at disability benefits.
Bukod dito ay nakatanggap din siya mula sa Employees’ Compensation Commission (ECC) sa pamamagitan ng Katulong at Gabay sa Manggagawang may Kapansanan (KaGabay) Program ng EC cash assistance na nagkakahalagang ₱10,000. Sumailalim rin ang nasabing empleyado sa libreng physical therapy sessions sa UERM Medical Center at pinagkalooban ng prosthetic leg sa halagang ₱47,450.00.
“Layunin ng ECC na matulungan ang mga empleyadong nagkasakit o naaksidente nang dahil sa trabaho. Sa programa ng ECC ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga persons with work-related disabilities (PWRDs) na makabalik muli sa trabaho o makapagsimula ng sariling negosyo,â€Â saad ni ECC Executive Director Kaima Via B. Velasquez.
Noong Setyembre 2022, sumailalim ang nasabing PWRD sa isang livelihood seminar na inorganisa ng ECC sa pakikipagtulungan ng Department of Science and Technology (DOST). Pagkatapos dumaan sa proseso ay pinagkalooban siya ng livelihood starter kit sa halagang ₱20,000.00 bilang panimula sa kanyang magiging negosyo na sari-sari store.
Nitong ika-28 ng Mayo 2024, ginawaran ng ECC ang nasabing PWRD ng nagkakahalagang ₱10,000.00 na complementary kit bilang pagkilala sa determinasyon at pagsisikap niya na mapalago ang kanyang negosyo.
“Ang mga benepisyong natanggap ko mula sa ECC ang nagsilbing mga paa ko para makabangon muli. Masarap sa pakiramdam pag may ahensya ng gobyerno na tumutulong sayo na muling lumaban sa buhay. Laking pasasalamat ko talaga sa ECC, malaking tulong ang kaloob nilang negosyo at prosthesis,†saad ng PWRD.
Â
J. Cañedo – C.O.