ECC LIVELIHOOD ASSISTANCE. (Kaliwang larawan) Si Dennis Clare na isang person with work-related disability ay ginawaran ng ECC ng panimulang pangkabuhayan na sari-sari store na nagkakahalagang ₱20,000 noong Hulyo 29, 2020. (kanang larawan) Si Clare kasama ng bigay ng ECC na karagdagang suplay at gamit para sa bigasan na nagkakahalagang ₱10,000 noong Enero 28, 2022.

Ang mga manggagawang nagkaroon ng kapanasanan dahil sa sakit o aksidente sa trabaho ay binibigyan ng karagdagang tulong ng Employees’ Compensation Commission (ECC) sa pamamagitan ng Katulong at Gabay sa Manggagawang may Kapansanan (KaGabay) Program. Layunin ng programang ito na matulungan at mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na makabalik muli sa trabaho o makapagsimula ng saraling negosyo,” saad ni Executive Director Stella Zipagan-Banawis.

Nagtatrabaho noon si Dennis Clare bilang isang kusinero sa Pasig nang maputol ang bahagi ng kanyang kanang kamay matapos itong maipit sa meat grinder noong ika-28 ng Abril 2019. Matapos magpagaling, nakabalik siya sa dating pinagtatrabahuhan bilang isang stockman. Dahil sa kanyang kondisyon, kalaunan ay nagbitaw din siya sa kanyang trabaho.

Nakakuha si Clare ng EC sickness benefits noong ika-30 ng Mayo 2019. Binigyan din siya ng ECC ng ₱10,000 cash assistance noong Nobyembre 2019. Ngayon, patuloy pa din siyang nakakatanggap ng buwanang EC permanent partial disability pension mula sa Social Security System.

Noong ika-30 ng Setyembre 2020, ginawaran si Clare ng ECC ng right hand prosthesis. Sumailalim din siya sa livelihood training na inorganisa ng ECC REU 4A sa pakikipag-ugnayan sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board 4-A.

Noong ika-28 ng Hunyo 2020, binigyan ng ECC Regional Extension Unit (REU) 4A si Clare ng livelihood livelihood assistance na ipinagkaloob ng ECC REU 4A sa ilalim ng Katulong at Gabay sa Manggagawang may Kapansanan (KaGabay) Program para sa mga kwalipikadong persons with work-related disability (PWRD). Ito ay nagkakahalaga ng ₱20,000 para siya makapagpatayo ng sari-sari store. Nitong ika-28 ng Enero 2022, muli siyang binigyan ng ECC ng ₱10,000 na complementary kit na ginamit naman niya para makapagsimula ng maliit na bigasan.

Hindi po madali ang mawalan ng kamay. Napakalaking tulong po ng mga ibinibigay ng ECC sa mga tulad namin na naaksidente sa trabaho at hirap nang makabalik sa trabaho. Bukod sa nabigyan ako ng artipisyal na kamay, nabigyan pa ako ng pagkakataon na makapagnegosyo,” pahayag ni Denis Clare.

J. Romasanta – REU4A